Local News

Lahat ng Duterte, Hindi Bagay Maging Presidente! De Lima, Pumutak mula sa Kaniyang Kulungan!

Sa kaniyang talumpati sa inagurasyon ng Skyway Stage 3 Project, muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang balak magtagal sa pwesto. Kontra din daw siya na tumakbo sa pagka-presidente ang kaniyang panangany na anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

“My God. Maski ibigay mo sa akin on a silver platter, maski ibigay mo sa akin libre another 10 years, sabihin ko sa iyo, p***** i** mo, iyo na lang ‘yan, tapos na ako…. And my daughter inuudyok naman nila, sabi ko, “My daughter is not running.” I have told Inday not to run kasi naaawa ako sa dadaanan niya na dinaanan ko. Hindi ito pambabae. Alam mo, the emotional setup of a woman and a man is totally different. Maging g*** ka dito. So iyon ang — that is the sad story,” sabi ni Pangulong Duterte.

Bumoladas naman si Senadora Leila De Lima sa naging pahayag ng Pangulo. Ayon sa senadora, maski sinong Duterte daw ay hindi bagay maging Pangulo ng Pilipinas. Hindi rin nagusuthan ni De Lima ang banat ni Pangulong Duterte na hindi pambabae ang trabaho ng Presidente.

“Kulang ba sa tulog iyang si Duterte o nilamok sa kulambo? Sa tuwing bitin kasi siya sa tulog, ang mga babae ang pinagdidiskitahan. Ni hini man siya makaabot sa kalingkingan ng mga nagawa nila Arden, Tsai, Ing-wen at Merkel…. Kamo ang sabihin niya silang mga Duterte ang hindi bagay sa pagkapresidente, babae man o lalake. Period!” patutsada ni De Lima.

Source: News5 | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén