Local News

“Lalaban ako ng Patayan!” Coco Martin, Bumoladas Uli Kaugnay sa ABS-CBN Shutdown

Hindi na talaga papaawat si ABS-CBN actor Coco Martin sa mga boladas niya patungkol sa pagpapahinto sa ABS-CBN na umere.

Magugunita na nitong ika-5 ng Mayo ay naglabas ang National Telecommunication Commission (NTC) ng kautusan laban sa ABS-CBN para huminto sa pagsasahimpapawid.

Nang dahil dito, hindi napigilan ni Coco ang maglabas ng kanyang hinaing laban sa gobyerno. Ayon sa aktor, handa daw siyang makipagpatayan para sa kanyang pamilya.

“Ito iyong pagkakataon natin na lumaban eh. Wala na tayong trabaho, Ano pang iingatan natin? Ano ang ipapakain ko sa pamilya ko? Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako,” sabi ni Coco.

Banat pa ng Kapamilya actor, hindi na daaw nadadaan sa magandang pakiusapan ang mga nasa pamahalaan.

“Hindi labanan ‘to ng diplomasya, binabarubal na tayo eh. Kinuha Tinatarantado na tayo eh. Kinuha na bahay (ABS-CBN) natin. Ano i-expect natin? Di Ba? ‘Pagdasal natin sila? Pinagdadasal na natin sila. Tiniis na natin sila. Dapat kumilos tayo. Dapat magsalita tayo. Dapat ang lahat ng mga artista iparinig ninyo nawala sa atin,” patutsada pa ng aktor.

Nasilip din ni Coco ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at iknumpara sa ABS-CBN na mayroon umanong 11,000 na empleyado. Sabay pasaring din sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte Government.

“Ano po ba anguunahin natin ngayon? Tanggalin ang kumpanya na tumutulong sa ating kapwa o sugal na pinapasok sa ating bansa. Buti pa ang POGO, pinaglalaban niyo. Itong kumpanya na tumutulong sa tao, pinasara niyo. Ano iyon? Tapos ang mga tao tuwang-tuwa kayo na nawala ng trabaho ang 11,000… Ano sabi ni Harry Roque,’Oh! Pumila kayo sa DOLE’. Eh ang buong Pilipinas nga hindi niyo ma-supplayan… bago matapos ito ay masabi ko kung ano ang totoong nararamdaman ko sa inyo,” boladas pa ni Coco.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: