Local News

Lalaki, Nahuli ng DENR na Ume-EBAK sa Manila Bay!

Dismayado ng husto ang kawani ng Department of Envronment and Natural Resources (DNER) nang maaktuhan nila ang isang lalake na gumagawa ng kababalaghan sa Manila Bay.

Magugunita na milyon-milyon ang ginastos ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng Manila bay na kasama pa dito ang paglalagay ng white sand sa dalampasigan nito.

Sa isang video, mapapanood na nahuli ni DENR Usec. Benny Antiporda at ng mga kasamahan nito ang isang lalaki na dumudumi sa may isang bahagi ng Manila Bay.

Pinatawag agad ng opisyal ang lalaki at ipinahuli. Hindi rin napigilan ni Usec. Antiporda na sermonan ang lalaki dahil sa ginawa nitong kabalahuraanan.

“Hirap na hirap kami kalilinis. Tinat*ehan mo? Bawal nga ‘yun eh kahit sa tubig ka tum*e…” banat ni Usec. Antiporda.

Wala din face mask ang lalaki nang mahuli ito ng otoridad kaya maari itong maharap sa karagdagang kaso.

Ang Manila Bay ay naging laman ng balita kamakailan lang dahil sa white sand na itinatambak dito. Layon ng gobyerno na linisin ang ilang bahagi ng Manila at pagandahin ang dalampasigan upang makaakit ng mga investor sa lugar.

Source: IC Ron TV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: