Local News

Lalaking Bagong Laya, Balik-Kulungan Matapos Mang-Snatch at Manaksak!

Maghihimas muli ng rehas ang isang lalaki na kakalaya pa lang ay gumawa agad ng kabalastugan.

Sapul sa CCTV ang naging habulan ng suspek at ng biktima sa Maynila. Kalaunan ay bumalik na lang ang biktima at hawak-hawak ang tagiliran nito. Ayun pala ay nasaksak na siya ng lalaking nanghablot ng kaniyang celphone.

Sa follow-up operation ng mga alagad ng batas ay nasakote ang suspek sa kalapit ng barangay. Nakilala ang suspek na si Joemarie Labdin. Positibo naman itong kinilala ng biktima na si Gian Carlo na nagpapagaling pa rin sa pagamutan.

Ayon sa ulat, si Labdin ay dati nang nakulong dahil sa pagnanakaw ng bisekleta at droga.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén