Local News

Lalaking Bumili ng Mineral Water, Patay Matapos Parusahan dahil sa Paglabag sa Curfew!

Namatay nitong Sabado si Darren Peñaredondo, ang lalaking sumuway sa quarantine sa General Trias, Cavite. Isnisisi ng live-in partner ng biktima ang ipinagawa kay Peñaredondo na 300 na pumping exercise.

Ayon sa kinakasama ng biktima na si Reichelyn Balce, naaresto si Peñaredondo ng mga tanod at dinala sa General Trias Police Station nitong ika-1 ng Abril. Bibili lang daw sana ang biktima ng mineral water.

Kuwento ni Balce, inutusan daw ang lahat ng curfew violators na mag-pumping exercise ng 100 beses. Pero kinailangan daw ulitin ng mga violators ang ehesisyo hanggang umabot sa 300 beses dahil hindi sabay-sabay ang mga ito.

Itinanggi naman ng General Trias Police Station na pinahirapan nila ang quarantine violators. Banat naman ng mga taga-barangay, hindi daw tubig ang bibilhin ni Peñaredondo kundi softdrinks.

Giit naman ng kinakasama ng biktima, sana pinagawa na lang ng community service ang mga nahuling lumalabag sa curfew dahil hindi lahat ay physically fit para mag-e-ehersisyo.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén