Local News

Lalaking Bumunot ng Baril laban sa Pulis, Kinampihan ni Renato Reyes!

Naglabas ngayon araw ang Militanteng groupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ng pahayag ukol sa nangyaring insidente sa pagitan ng dating sundalo at pulis nagpapatupad ng quarantine. Ayon sa BAYAN, hindi raw katanggap-tanggap ang nangyari.

“Hindi tama ang paggamit ng deadly force sa isang sinasabing quarantine violator. Disproportionate use of force, hindi akma ang gamit ng pwersa para sa isang tao na ang sinasabing paglabag ay [sa] quarantine rules,” sabi ni BAYAN Secretary General Renato Reyes Jr.

Magugunita na kahapon ay naging viral ang video kung saan mapapanood ang lalaking nakikipagmatigasan sa mga pulis at bubunot pa ng baril. Nasawi ang lalaking kinilalang si Winstons Ragos , dating sundalo. Nakuha sa sling bag ni Ragos ang isang .38 na kalibre ng baril at apat ng bala.

Bago pa man magkomentoa ng ilang personalidad mula sa oposisyon ay naghinala na ang radio host at blogger na si Mark Lopez, na maaaring gamitin daw ng mga kritiko ng administrasyon ang video laban sa gobyerno.

“Uunahan ko na kayo… Yang nangyaring SHOOTING INCIDENT SA FAIRVIEW na kumakalat na sa chat groups, gagamitin yan, and will be exploited ng mga dilawan, mga pekeng makakaliwa, mga woke at mga oportunista, laban kay Presidente Duterte… SIGURADO YAN,” ani Lopez.

Ayon naman sa personal na opinyon ng kilalalang abogado na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, kung pagbabasehan ang video sinunod lang daw ng pulis ang standard operating procedure.

“Personal opinion, abswelto yung pulis sa shooting incident. He did everything by the book.

Para dun sa nagtataka. May umiikot na video ng shooting incident allegedly in Fairview of a cop that had to shoot down a guy. Maliwanag sa video na yung action ng biktima ay parang bubunot ng baril. Whether he was armed or not is beside the point.

He already disobeyed the cop (disobedience to lawful authority Art. 151 Revised Penal Code) and was continuing to do so. PInadapa siya ilang beses, acted in a hostile manner and appeared to go for his gun.

Kung gagawing isyu ito for example ng alleged pagmamalabis ng state forces, this cop should not be penalized. His actions are clear standard operating procedure with regard to that portion covered by the video.

In fact, patient pa yung pulis. He shot ONLY when the person appeared to go for his gun and not before.

Note: If there are other circumstances not evident in the video, this opinion could change.” ani Atty. Trixie.

Source: ABS-CBN | Mark Lopez | Luminous

Leave a Reply

Theme by Anders Norén