Local News

Lalaking Mag-Isang Naglilinis sa Manila Bay, Nakatanggap ng Tulong mula sa Netizens! LGU, balak siyang Bigyan ng Trabaho!

Naging usap-usapan sa social media nitong mga nagdaang araw ang ginawang pangunguna ng Duterte Government sa paglilinis ng Manila Bay. Marami ang namangha nang tumambad ang walang duming Manila Bay matapos itong pagtulungang linisin ng mga volunteers.

Pero isa sa mga nakakuha ng atensyon ng mga netizens ay si Mang Chris Abria na nakitang naglilinis sa Manila Bay isang araw matapos gawin ang Kick-off program para sa rehabilitasyon. Sa video na ibinahagi ni Lorenz Tanjoco ng Ronda Pilipinas, makikitang kahit na nasa katirikan ng araw ay patuloy at mag-isang nililinis ni Mang Chris ang Manila Bay.

Nang dahil sa pagkakawang-gawa ni Mang Kris ay maraming kababayan natin ang sumaludo sa kanya. Ang ilang ay nag-alok pa ng tulong kay Manong Chris.

Dahil sa mga natanggap ni Tanjoco na mga mensahe mula sa mga netizens, binalikan niya si Mang Chris sa Maila Bay para kumustahin. Dito niya napag-alaman na mayroon ngang mga kababayan natin na nagbigay ng gamit at tulong na kay Mang Chris. SInabi rin ni Tanjoco na balak daw alukan ng trabaho si Mang Chris ng Local Government Unit (LGU).

Basahin ang naging reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin sa pagtulong kay Mang Chris ng mga tao.

“Bigyan nyo na din ng makain at mainum si kuya baka gutom at nauuhaw na po si kuya😊 God bless you po,” sabi ni R. Engqueen

“Mabuhay ka kuya Cris .. Sana mabigyan ka ng trabaho .. Napakabuti mong tao sana lahat ng tao kagaya mo,” sabi ni M. Dela Cruz

“BGod bless po sa lahat ng naglinis sa Manila Bay,good job po nkkproud kau laha,” sabi ni T. Jumuad

“B pagpalain ka kuya cris ,,mabigyan sana yan sila ng pakunsuelo man lang para sa pamilya nila,” B. Bacalla

“Nakakahiya sa taga up ginastosan ng govenrno hindi naman nakabawi ang governo sa kanila dapat ang mga estudyante ng up ang maglinis lahat para makabawi ang governo,” sabi ni E. Manantan

Source: Lorenz Tanjoco – Ronda Pilipinas RP1

Leave a Reply

Theme by Anders Norén