Local News

Lalaking Nag-DRIVE Habang nasa Passenger Seat, Sinampolan ng DU30 Govt!

Naalala niyo ba si Luis Miguel Lopez a.k.a. Miko Lopez, yung lalaki sa viral video kung saan nagda-drive habang nasa passenger seat ng sasakayan? Ipinawalang bisa na po ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya niya at habang buhay na po siyang hindi papayagang makakuha pa muli ng lisensiya at makapag drive. Inilabas ng LTO ang memorandum ngayong araw lamang. Magugunitang sinabi pa ni Lopez na ang lahat ng bawal ay kanyang ginagawa at habang nagmamaneho sa passenger seat ay nakuha pang manigarilyo.

Ilan pa sa naging paglabag ni Lopez ay speeding, reckless driving, failure to wear or use a seatbelt at driving a motor vehicle without a steering wheel o Unauthorized Motor Vehicle Modification. Pinagmumulta din si Lopez sa mga paglabag.

Ayon kay Department of Transportation Secretary (DOTr) Arthur P. Tugade, dapat na mag silbing babala sa mga drivers ang naging desisyon laban kay Lopez.

“Driving on public roads is a privilege. Owning a license is a privilege. When we use those roads, we partake in the shared responsibility of road safety. What Mr. Lopez did was an utter disregard for the safety of motorists and pedestrians. He poses a danger to the public and, therefore, has no place on our public roads,” sabi ni Tugade.

Source: Department of Transportation

Leave a Reply

Theme by Anders Norén