Local News

Lalaking, Nagpakilalang Sundalo sa Viral Video, Nagsalita na!

“I apologize. I am totally wrong,”

Nitong mga nagdaang mga araw, kumalat sa social media ang video ng isang lalaking naka-innova na nakunan na nakikipagitgitan at nakikipagtalo sa isang taxi driver. Kinagalitan ng ilang netizens ang naging asta ng lalaki dahil sa pagpapakilala nito na isa daw siyang sundalo at tagapaglistas ng Pilipinas. Isa pa sa rason kung bakit na nabuwisit ang ilang mga kababayan natin ay dahil naghamon ang lalaki na i-reklamo siya.

Kamakailan lang ay lumapit sa programa ng mamamahayag na si Raffy Tulfo si Karl Kaw, ang lalaki sa viral video upang ipaliwanag ang kanyang panig.

Humingi na rin siya ng paumanhin sa mga sinabi niya. Ayon pa kay Kaw, nagka-aregluhan na raw ang kanyang panig at ang kampo ng taxi driver.

“Let me just clarify that I am not part of any division of Armed Forces of the Phiippines (AFP). I am very sorry that maybe how I said it put them in a bad light,” sabi ni Kaw.

Para naman kay Tulfo, mahalaga daw ang pag-amin ni Kaw sa pagkakamali nito pero pinaalalahanan pa rin ni Tulfo si Kaw na pwede itong makulong dahil sa pagpapakilalang sundalo.

“Ang pagsabi mo na sundalo ka, pwede kang makulong doon. Usurpation of authority doon. Pwede kayong makasuhan diyan ng AFP,” sabi ni Tulfo.

Nilinaw din ni Kaw na hindi kumpleto ang nai-upload na video. Base sa kwento ni Kaw, may muntik nang masagasaan na bata angtaxi diver. Dahil doon ay nagalit siya at ginigtgit niya ang taxi driver para hindi makaalis. Pinayuhan naman ni Tulfo si Kaw na niya dapat ito ginawa at ipinaubaya na lang sa mga otoridad para na rin daw sa sarili niyang kaligtasan.

Sa buong panahon ng pakikipag-usap ni Kaw kay Tulfo ay naging magalang at magpakubaba naman ito.

Source: Raffy Tulfo in Action

Leave a Reply

Theme by Anders Norén