Local News

Foreigner na Nakahandusay, Walang Sakit! Lasing na Koreano lang pala!

Kahapon ay kumalat ng husto ang video ng netizen na si Zaldy Bao Maguigad. Sa nasabing video, ipinakita ni Maguigad ang isang lalaking nakahiga sa may bangketa sa Taft Avenue. Ayon kay Maguigad, confirmed daw na Chinese national ito at mayroong sakit (fever). Marami na raw silang tinwagan na otoridad pero wala daw gustong kumuha sa lalaki.

“‘Yung nakahandusay na iyon. Isa po siyang Chinese national. Marami na po kaming tinawagan… wala daw available na ambulansiya. Isa po siyang confirmed na Chinese nationals, natumba po siya. May fever, panigurado po kasi nanginginig,” sabi ni Maguigad.

Ang video ni Maguigad ay nag-viral. Sa kasalukuyan, umabot na sa lagpas 60,000 na ang nagbahagi ng video at umani na rin ng libo-libong reaksyon mula sa mga netizens.

Nilinaw naman ngayon araw ng Manila Public Information Office (MPIO) ang totoong nangyari sa lalaki. Ayon sa MPIO, hindi Chinese national ang nakahiga sa bangketa at pinagsusupetsahang may sakit. Base sa impormasyon ng kapulisan, isang Koreano na lasing lang ito.

“FAKE NEWS ALERT: There is no truth to the rumor that a Chinese national fell along Remedios Street due to suspicions that he allegedly had novel coronavirus, according to a report by the Ermita Police Station.

Ermita Police Station Commander Police Lieutenant Colonel Ariel Caramoan, quoting the report, identified the person shown in the viral photos and videos taken on Saturday, February 1, as a drunk Korean national.

The Korean national, Caramoan said, personally appeared at the police station and informed them that he was “surprised” that there was photos and videos of him showing that he may have been infected by the virus.

“(The Korean national) disclosed that in the uploaded video, he was asleep due to drunkenness,” the report by Ermita Police Station said.” paliwanag ng MPIO

Source: Manila Public Information Office | Zaldy Bao Maguigad

Leave a Reply

Theme by Anders Norén