World News

Lalong Dumadami! Umakyat na sa 7,000 ang Kumpirmadong Kaso ng Coronavirus!

Ayon sa bagong numerong naitala kaugnay sa coronavirus outbreak, pumalo na sa 7,000 ang kumpirmadong kaso. Habang ang mga nasasawi ay lumobo na sa 170.

Pumalo naman na sa 91 na kumpirmadong kaso ng coronavirus sa labas ng Tsina. Tatlong Japanese citizens na inilikas mula sa Wuhan ay nahawaan na rin ng coronavirus.

Nag-petisyon naman ang Arizona State University na kanselhain ang klase dahil sa takot sa naturang sakit.

Nananatili pa rin na nagpapatupad ang gobyerno ng Tsina ng partial o full lockdown sa ilang syudad. Ang isang bakanteng gusali sa Tsina ay ginawa ng ospital na para lamang sa coronavirus. Na-convert ang naturang building sa loob lamang ng 48 oras o 2 araw.

Nakatanggap naman na ng briefing si US President Donald Trump tungkol sa nakamamatay na sakit.

“Just received a briefing on the Coronavirus in China from all of our GREAT agencies, who are also working closely with China. We will continue to monitor the ongoing developments. We have the best experts anywhere in the world, and they are on top of it 24/7,” sabi ni US President Trump sa kanyang twitter account.

Ang Papua New Guinea naman ay hindi muna tatanggap ng mga biyeherong galing sa mga “Asian ports”. Ang hakbang na ito ay para maprotektahan ang kanilang mamamamayan sa coronavirus. Walang pang naitatalang kaso ng coronavirus sa nturang lugar.

Ang coronavirus ay pinanniwalaang nagmula sa syudad ng Wuhan sa China kung saan matatagpuan ang isang palengke na nagtitinda ng mga wildlife. Ayon sa ilang ulat, iniuugnay ang mga paniki at ahas sa coronavirus. Base sa nakita ng mga nagsasaliksik, may pagkakaparehas ang strain na nakita sa coronavirus at sa mga naturang hayop.

Habang isinusulat ang blog post na ito ay wala pang kumpirmadong kaso na naitatala sa ating bansa. Ang Department of Health ay patuloy na nakatutok sa nangyayari.

Source: CNN Philippines | CNN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén