Local News

‘Lalong Nalalagay sa Panganib ang Kapakanan ng mga Mamamayan’ – Leni

Kahapon dineklara na ng Department of Health ang kauna-unahang kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas. Ayon sa DOH, isang 38-anyos na babaeng Tsino kumpirmadong nagtataglay ng karamdaman.

“The confirmed case arrived in the Philippines from Wuhan, China via Hongkong last January 21,2020. The patient sought consult and was admitted in one of the country’s government hospital last January 2 after experiencing mild cough. She is currently asymptomatic, which means she has no fever and no other signs or symptoms suggesting illness at this point,” paliwanag ni Health Secretary Duque.

Ngayong araw naman ay bumoladas na si Vice President Leni Robredo at iginigiit sa pamahalaan na magsagawa na ng China-wide travel ban.

“Ang kasalukuyang banta ng coronavirus sa bawat Pilipino ay nangangailangan ng agarang aksyon mula sa ating pamahalaan,” sabi ni Robredo.

Kaninang umaga ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang temporary travel ban sa Wuhan City at Hubei Province.

“Nais ko pong ipaalam sa publiko na nakausap ko po si Pangulong Rodrigo Duterte kanina at inirekomenda ko ang pag-impose ng temporary travel ban upang maprotektahan ang ating mga kababayan sa pagkalat ng Coronavirus. Sang-ayon po si Pangulo na iimplementa ang temporary travel ban sa mga manggagaling mula Wuhan city and the entire Hubei province ng China… The President and concerned government officials are also studying the possibility of imposing temporary travel restrictions for those coming from other places affected by the infection… Rest assured that the Duterte administration takes this threat seriously. I am appealing to the public to cooperate with authorities in order to ensure the safety of everyone,” pahayag ni Senador Bong Go.

Pero para kay Leni, hindi na daw dapat ang mahabang usapan. Kailangan daw ang mabilisan na desisyon.

“Bawat minutong ipapagbukas pa ang pag-aksyon sa mga rekomendasyong ito, lalong nailalagay sa panganib ang kapakanan at kalusugan ng ating mga mamamayan… Wala na tayong panahon para sa mahabang usapan. Buhay ng tao ang nakasalalay kaya agarang aksyon, tamang impormasyon at mabilisang desisyon ang kailangan,” dagdag pa ni Robredo.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén