Local News, World News

Langis ng Niyog, Panlaban sa Coronavirus? Pinag-aaralan na ng Pinoy at US Scientist!

Pinag-aaralan na ng isang Filipino Scientist ang posibilidad na magamit ang langis ng niyog upang maging pang-lunas sa novel coronavirus (2019-nCoV).

Ayon kay Ateneo De Manila University professor emeritus Fabian Antonio Dayrit, matatagpuan daw sa langis ng niyog ang lauric acid at iba pang deribatibo na nagagamit sa mga iba’t-ibang produto dahil sa antiviral properties nito,

“Several researchers have been designing drugs to specifically target protease enzymes in coronavirus, but testing for these drugs is many months away… What if there is a treatment candidate against the coronavirus that might already be available and whose safety is already established?” sabi sa academic paper na sinulat ni Dayrit kasama si physician Mary Newport.

“Because of the antiviral and antibacterial protection that it provides to animals, coconut oil, as well as lauric acid and monolaurin, is used in farm animals and pets as veterinary feed supplements in chicken, swine and dogs… Monolaurin has been shown to effectively protect chicken against avian influenza virus,” ayon pa sa academic paper.

Inirekomenda nina Dayrit at Newport na isailalim sa clinical study ang epekto ng mga deribatibo ng langis niyog sa mga may sakit na coronavirus. Ayon pa sa dalawa, malaki daw ang maaaring maging benepisyo ng mga deribatibong galing sa langis ng niyog.

“Given the considerable scientific evidence for the antiviral activity of coconut oil, lauric acid and its derivatives and their general safety, and the absence of a cure for nCoV, we urge that clinical studies be conducted among patients who have been infected with nCoV… This treatment is affordable and virtually risk-free, and the potential benefits are enormous,” rekomandasyon nina Dayrit at Newport.

Puspusan ang ginawa-gawa ng mga nasalarangan ng siyensiya upang makahanap ng lunas laban sa coronavirus na ngayo’y mabilis na lumalaganap.

Kamakailan lang ay sinubuukan ng ilang mediacal workers ang gamot sa HIV at influenza sa isang pasyenteng may coronavirus. Sa loob lang daw ng dalawang araw ay bumuti ang lagay ng pasyente.

Source: Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén