Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Lawyer sa ICC Case, Nilaglag na rin si Trillanes?

Sunod-sunod ata ang kamalasan na sinasapit ni former Senator Antonio Trillanes IV. Mula sa kasong sedisyon na kinakaharap ng dating mambabatas hanggang sa kidnapping at serious illegal detention case na walang piyansa, isang dating kapanalig niya ang mukhang tatablahin siya.

Sa isang artikulo na inilatahala sa website ng Mindanao Gold Star Daily, nagsalita si Attorney Jude Josue Sabio tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Trillanes. Magugunita na si Sabio ang abogado na naghain ng communication sa International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sabio, nagkaroon ng lamat ang koneksyon nila ni Trillanes nang tinangka umano ng kampo ni Trillanes na kunin ang serbisyo niya bilang abogado ni Peter Joemel Advincula o alyas “Bikoy”, ang lalaki sa video series na “Ang Totoong Narcolist” na naninira sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte

“As a lawyer, I was almost burned by the fire of the cause celebre. On 29 April 2019, ex-senator Trillanes personally met me together with his lady staff at the Novotel Hotel in Cubao, Quezon City. As usual, my wife Jo ann A. Fortich was with me.

In the meeting at the hotel lobby, I told Sen. Trillanes to refrain and desist from Bikoy, because it is just a trap, apart from the dire lack of funds even for the ongoing ICC case. Jo ann also told him: ‘Sir, wag mong itutuloy yan, babagsak ka nyan at di ka na makakabangon’…

That meeting culminates the senator’s actual effort to recruit me as a lawyer for Bikoy, which was first expressed to me on 23 April 2019 through a viber text by his close-in security/staff Jonnel Sangalang.

The text caught me by surprise, because I had absolutely no idea about the senator’s involvement with Bikoy. Jonnel Sangalang represented to me that Bikoy had “handlers” to whom I would be recommended to be his lawyer, and that my task would be to submit a complaint with the Ombudsman following Bikoy’s public revelation that he would soon surface,” sabi ni Sabio.

Lalo raw lumala ang sitwasyon nang tanggihan ni Sabio ang pag-aabogado kay Bikoy at nagtanong ang kampo ni Trillanes tungkol sa lagay ng lisensiya niya bilang abogado. Tila pang-iinsulto daw ito sa kanya.

“I told him that they could have conducted due diligence about my lawyer’s license or the license of any lawyer for that matter by asking other lawyers, the IBP, the Supreme Court or the MCLE Committee – but certainly not me. I wonder if a patient would ever go to a doctor for a medical consultation, and dare to ask the doctor if his medical license is updated.

Like any other lawyer who worked hard in law school, for five years in my case as an evening working student in the UP College of Law, not to mention the Bar exams, to earn that lifetime license from the Supreme Court, I rebuffed the Senator, as I deemed the question to be insulting and offensive to me and the whole legal profession.” buwelta ni Sabio.

Ayon pa kay Sabio, tila sinuwerte ang kanyang kapalaran dahil ang “disaster” na dapat ay kakaharapin niya kung sakaling tinanggap niya ang pag-aabogado kay Bikoy ay napunta sa mga abogado ng Free Legal Assistance Group (FLAG) at Integrated Bar of the Philippines (IBP)

Source: Mindanao Gold Star Daily

Leave a Reply

Theme by Anders Norén