Local News

Lea Salonga, winalangya mo ang 110 million Pilipino! – Ret. Journalist Jay Sonza

Nitong nagdaang mga araw ay naging laman ng balita ang mang-aawit na si Lea Salonga dahil sa pagkokomento nito sa mga kasalukuyang isyung kinkaharap ng ating bansa.

“Dear Pilipinas, p***** ina, ang hirap mong mahalin,” sabi ni Salonga sa kanyang social media post.

Naglabas din ng opinyon si Salonga patungkol sa Anti-Terrorism Bill (ATB). Magugunita na ang ATB ay sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na urgent.

“Criticism of one’s government shouldn’t be considered an expression of hatred, but one of love and a desire to see the country succeed… I would like to think that in a functioning democracy, this should never be anyone’s fear, that their criticism would land them in jail, or worse, a corpse lying on a curb,” saad pa ni Salonga.

Ang mga patutsada ni Salonga ay niresbakan ng retiradong mamamahayag na si Jay Sonza.

“Lea Salonga, winalangya mo ang 110 million Pilipino ng minura ang aming Inang Bayan.

Nagmamarakulyo ka dahil isinara ang iyong home TV network dahil sa patong-patong na paglabag sa batas.

nagwawala ka dahil isinabatas ang anti-terrorism law upang sugpuin ang mga nanliligalig sa Inang Lahi.

Hinintay kong magkusa kang humingi ng paumanhin at patawad. Hindi mo ginawa.

Nagagalit ka dahil hinatulan ang isang kriminal na lapastangan sa panulat at mamamatay ng dangal.

At gaya ng nakasaad sa Lupang Hinirang – “sa manlulupig di ka pasisiil…ang mamatay ng dahil sa iyo.” sa oras na magkrus ang ating landas, ipadadama ko sa iyo ang init at rubdub ng pagmamahal sa Pilipinas kong mahal ng isang tunay na Pilipino.

Bumubukal ang dugo ko sa mga HUWAD.” banat ni Sonza.

Habang isinusulat ang blog entry na ito ay umabot na sa higit 900 ang nagbahagi ng post ni SOnza. Umani na rin ito ng libo-libong reaksyon at lagpas isang libong komento mula sa mga netizens.

Source: Jay Sonza | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: