Local News

Leah Navarro, Kinuwestiyon ang Libreng Sakay sa Tren ng mga Estudyante!

Habang ang karamihan sa mga kababayan natin ay nagagalak sa balita patungkol sa libreng sakay para sa mga estudyante sa mga tren (LRT, MRT at PNR), ang Liberal Party supporter at singer na si Leah Navarro ay binatikos ang proseso kung paano magagamit ng mga estudyante ang libreng sakay.

Banat ni Navarro, bakit kailangang pang kumuha ng bagong identification cards ang mga estudyante para makasakay ng libre sa mga tren. Hindi daw kasi pwedeng pagkatiwalaan ang gobyerno. Hindi daw kasi kilala ang Duterte Government sa katapatan.

“Huh? Why bother with new IDs when students already have school IDs? How much is DOTr paying for these new IDs? This gov’t isn’t known for its honesty,” boladas ni Navarro.

Base sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr), sa mga susunod na buwan ay kailangan ng mga mag-aaral na mag-apply ng Student Free Ride I.D para makasakay ng libre sa mga tren. Maari daw makuha id sa pamamagitan ng pag-a-apply online o di kaya ay pagtungo sa mga Malasakit center desks na matatagpuan sa mga istasyon ng tren. Makikita sa Student Free Ride I.D ang pangalan ng estudyante, kung saang eskwelahan ito nag-aaral, antas, student number at control number.

Ayon sa The Light Rail Transit Authority (LRTA), P130 million ang maisasakripisyong kita ng gobyerno dahil sa libreng sakay para sa mga mag-aaral. Pero nilinaw din ng LRTA na ito ay maliit lamang na halaga.

“Sa amin pong pagsusuri maliit lamang po ang mawawala sa pamahalaan, meaning sa revenue na kinikita ng ating line 2. Ang estimated po natin sa loob ng isang taon ang amin pong mawawala ay P130 million lamang po,” sabi ni LRTA Administrator Rey Berroya.

Sa unang araw ng pagpapatupad ng libreng sakay para sa mga estudyante, malugod na ibinahagi ng DOTr na 5,000 na mag-aaral ang nakinabang sa “Student Free Ride”.

“Just to give you an update, we have, I think around 5,000 students already benefited and applied for the free ride as of 11:30 this morning,” pahayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

Source: GMA News | Leah Navarro | UNTV | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén