Local News

Leftist Congressman, Nagbanta? “Hindi namin Papalampasin ito, Gaganti kami!”!

“We will not take this sitting down. We will not let this pass by na hindi kami gaganti dahil kung ginawa nila ito sa isang kongresistang si Rep. Castro, incumbent member of the Congress, long-time activist Satur Ocampo, ginawa nila sa apat na mga pastor, kaya nilang gawin kahit sino,”

Ganito ang naging pahayag ni Anakpawis Party-list Representative Ariel Casilao kaugnay sa pagkaka-aresto kina ACT Teachers party-list Congresswoman France Castro at dating Bayan Muna Congressman Satur Ocampo sa Talaingod, Davao Del Norte dahil sa pagtangay sa ilang kabataang lumad na walang permiso ng mga magulang.

Para kay Casilao, ang mga kaso laban kina Ocampo at Castro ay gawa-gawa lamang. Wala raw kapasidad ang mga ito na magsagawa ng human trafficking. Tinitignan ng grupo ni Casilao ang posibilidad na magsampa ng reklamong abuse of authority at negligence of duty laban sa mga otoridad na humuli kina Ocampo at Castro.

“We will definitely seek a concrete legal opinion on the possibility of the counter charges… We have to deter this impunity. Kailangan din tayong gumawa ng mga hakbang and part of that is our legal counter offensive,” sabi pa ni Casilalo

Sa isang panayam naman kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, sinabi nito karapatan ng grupo ni Casilao na magdemanda at welcome naman daw sa kanila ang gagawin ng mga makakaliwang gurpo.

Basahin ang naging tugon ng mga kababayan natin sa mga lumabas sa bibig ni Casilao.

Panoorin ang naging kumprontasyon sa pagitang ng mga magulang ng kabataang lumad at ng kampo nila Satur Ocampo.

Source: GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén