Local News

Panoorin: Leftist Congressmen, Iimbestigahan at Uungkatin ang SEA Games Fund!

Kung si Seandor Panfilo “Ping” Lacson ay gustong paimbestigahan ang hosting ng Pilipinas ng 30th Southeast Asian (SEA) Games, hindi rin pahuhuli ang mga makakaliwang kongresista o Makabayan bloc.

Ayon sa ulat ng State of the Nation with Jessica Soho, nais daw imbestigahan ng mga mambabatas mula sa mababang kapulungan ang pondong ginamit sa uniporme, pagkain at mga hindi daw natapos na pasilidad.

Noong bago nagsimula ang SEA Games ay inulan ito ng sari-saring isyu. Mula sa cauldron ng nagkakahalaga ng P50 million na inaangal ni opposition senator Frank Drilon hanggang sa pagbatikos ng mga kritiko sa preparasyon ng palaro.

Magugunita na nag-ulat ang ilang mainstream media companies ng mga balitang negatibo sa imahe ng SEA Games na kalaunan ay napagalaman na walang katotohanan. Tulad ng larawan na ibinahagi ng Inquirer kagunay sa diumano’y stadium na gagamitin sa Biñan, Laguna. Sa ulat ng media outfit, gumamit ito ng litrato ng under renovation na UP football stadium. Pinalagan ng Biñan Information Office ang maling impormasyon ng Inquirer. Humingi ng paumanhin ang Inquirer sa nangyari.

Naging isyu din ang diumano’y kikiam na inihain sa mga manlalaro na kalaunan ay lumabas na chicken sausage pala. Hindi agad kinuha ng media ang panig ng Whitewood hotel noong unang pumutok ang isyu. Nalaman na lang ng publiko ang katotohanan nang linawin ng WHitewoods hotel ang totoong pangyayari sa kanilang social media account.

Kumalat din ng husto ang video ng ABS-CBN reporter na si Angel Movido kung saan makikita ang na may dalawang toilet sa isang cubicle. Dahil sa video, inulan ng puna ang mga organizers. Ang video ng mamamahayag ay peke ayon sa Philippine Sports Commission (PSC) dahil under renovation pa raw ang palikuran noong kinunan ito.

Kahit na kumalat ang mga maling impormayon mula sa mainstream media, naging matagumpay pa rin ang opening ceremony ng SEA Games. Nakatanggap ito ng pagkilala mula sa Olympic Council of Asia at binigyan pa ng parangal ang Pilipinas bilang “Best SEA Games Organizer”.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén