Local News

Leftist Congressmen, Naghain ng Bill para sa ABS-CBN Franchise Renewal

Naghain ng panukalang batas para sa renewal ng legislative franchise ng ABS-CBN ang mga leftist congressmen mula sa Makabayan bloc. Ayon sa grupo, ginagawa daw nila ito para itaguyod ang freedom of expression.

“The non-renewal of the ABS-CBN franchise will cost the jobs of some 6,730 regular employees, 900 non-regular workers, and more than 3,325 talents, basing on the number of employees listed under the media corporation’s report to the Securities and Exchange Commission and the Philippine Stock Exchange… Yet an even bigger ripple of the ABS-CBN shutdown is its cost to freedom of the press in particular, and to democracy in the country in general,” sabi ng mga kongresistra ng Makabayan bloc.

Pumalo na sa 11 ang franchise renewal bill para ABS-CBN ang nakabinbin sa kongreso pero wala pang naisasagawang pagdinig ang lehislatura ukol dito. Ang prangkisa ng network ay mapapaso na sa Marso 30, 2020 .

Magugunita na makailang ulit na nagbanta si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN. Ilan sa mga rason ng Pangulo ay ang hindi pag-e-ere ng kanyang campaign ads kahit na tinanggap daw ng network ang kanyang bayad.

“The shutdown of ABS-CBN due to a mere personal grudge by the Chief Executive is evocative of the forced shutdown of radio and TV stations during the Marcos martial rule in 1972,” boladas naman ng mga makakaliwang mambabatas.

Ang mga makakaliwang mambabatas na sumusuporta sa franchise extension ng ABS-CBN ay sina Reps. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite, at Eufemia Cullamat ng Bayan Muna party-list, France L. Castro ng ACT Teachers party-list, Arlene Brosas ng Gabriela party-list, and Sarah Jane Elago ng Kabataan party-list.

Hindi naman pinalagpas ng abogada na si Atty. Trixie Cruz-Angeles ang paandar ng mga makakaliwang mambabatas at tinawag niya pa ang mga ito na malilinlang.

“Makabayan bloc files bill for renewal of ABSCBN franchise saying that to do otherwise would encourage the oppression of press freedom. We really should stop voting for mis-leaders like these. #Manlilinlang” resbak ni Atty. Cruz-Angeles.

Magugunita na kamakailan lang ay ibinahagi ng radio host at pro-administration blogger na si Mark Lopez ang mga labor cases na isinampa laban sa ABS-CBN.

Source: Manila Bulletin | Luminous | PTV | Mark Lopez

Leave a Reply

Theme by Anders Norén