Local News

Mga Leftist Groups, Dinepensahan ang Guro na Nag-Alok ng P50 MIllion para Mapatay si PDU30!

Umeksena ngayon ang leftist group na Alliance of Concerned Teachers (ACT) para kundinahin ang pagkakaaresto sa guro na si Ronnel Mas, 25-anyos. Hinihingi nila na palayain ang guro at iurong ang mga kaso laban kay Mas.

Magugunita na naging laman ng balita si Mas nang mag-post ito sa social media kung saan sinabi niya na mag-aalok siya ng P50 million para patayin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Boladas ni ACT secretary-general Raymond Basilio, walang kapasidad si Mas na magbayad ng P50 million kaya dapat ay hindi na pansinin ang social media post nito. Binatikos din ni Basilio ang paggamit ng pamahalaan sa batas bilang sandata.

“Teachers’ dire economic state is no secret to the people, especially to the government. 25-year old Teacher Ronnel obviously does not have 50 million to pay as bounty hence his post clearly does not pose any serious threat to the President. Why then did the NBI spend valuable time and resources to apprehend this teacher?” patutsada ni Basilio.

Parehas din ang naging angal ni Bayan Muna Rep. Ferdie Gaite para kay Mas.

“What happened to Teacher Ronnel was selective persecution targeting dissenters. NBI knows that his tweet was just hyperbole, and a teacher who lives on a meager salary couldn’t possibly reward anyone 50M. The authoritarian regime just wants to send a chilling warning to critics,” boladas ni Gaite.

Humingi na ng kapatawaran si Mas sa nagawa niya. Pero ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi ito sapat para maabsuwelto sa krimen na ginawa niya.

“Apology is not one of the grounds for extinguishing criminal liability. I cannot feloniously injure another and get away with it by merely saying ‘sorry’,” paliwanag ni Guevarra.

Si Mas ay mahaharap sa kasong “inciting to sedition”, sabi ni National Bureau of Investigation deputy director Ferdinand Lavin.

Source: News5 | Bayan Muna Rep. Ferdie Gaite

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: