Local News

“Panahon na para I-impeach si Duterte” – Leftist Group PAMALAKAYA

“Isang shokoy o sea monster na kumakatawan sa iba’t-ibang paanagutan ng Duterte Regime,”

Ito ang boladas ni BAYAN – Natinal Capital Region Chairman Raymond Palatino patungkol sa Duterte Administration at effigy na gagamitin nila sa kinakasa nilang malaking kilos protesta sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes.

Ang panawagan ng grupo ni Palatino ay alisin na sa pagiging Presidente si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Fernando Hicap na National Chair ng PAMALAKAYA, nakahanda na raw ang mga legal team para sa impeachment ni Presidente Duterte.

“Nasa proseso na ang mga volunteer na mga legal team para gawin ‘yung impeachment complaint at umaasa kami na marami ang magiging kasama namin dito at panahon na para i-impeach si Pangulong Duterte,” sabi ni Hicap.

Isang malaking palaisipan lang kung paano nila mailalampas sa kongreso ang impeachment complaint nila laban sa Pangulo. Lalo na at karamihan sa mga kongresista ngayong ay ka-alyado ng Presidente. Dapat ding tandaan na karamihan sa mga senador ay ka-alyado din ni Presidente Duterte.

Inaasahang magiging sentro o pkasa sa SONA ng Presidente ang West Philippines Sea (WPS). Naging laman ng balita ang WPS noong nakaraang buwan matapos ang insidente ng banggaan ng sasakyang pandagat ng mga 22 Pilipinong mangingisda at ng mga Tsino sa Recto Bank.

Kamakailang lang ay sinabi ni Pangulong Duterte na pinapayagan niya lang ang mga Tsino na mangisda sa WPS pero siya pa rin daw ang may-ari nito.

“Sabi nila, ‘Bakit mo pinayagan ang China?’ Sabi ko, ‘As far as I’m concerned, I’m the owner, and I’m just giving the fishing rights…. Historically even before the birth of nations, even before the organization of whatever, meron ‘yang mga tao sa coast eh whether they are really the ancestors of the Chinese or the Filipinos. And also, nations who have been fishing there. It’s called fishing rights,,” sabi ni Presidente Duterte.

Source: GMA News | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén