Local News

Leftist Supporters, Binastos at Ginulo ang Forum ng mga Biktima ng NPA!

Ginulo ng ilang indibiduwal na pinaniniwalaang mga miyembro ng makakaliwang organisasyon ang isang town hall meeting o forum ng mga Indigenous People (IP) sa Philippine Consulate sa Estados Unidos. Ang mga naturang Lumad ay magsasalita dapat para isiwalat ang mga kasamaan ng mga rebeldeng komunistang New People’s Army (NPA) sa kanilang ancestral domain.

Ang insidente ay nakuhanan sa video at in-upload ng pro-government blogger na si Maharlika sa kanyang Facebook page. Hindi napigilan ni Maharlika na magbigay ng opinyon at reaksyon sa mga pinaggagawa ng mga sumugod sa konsulado.

“Itong panggugulo ng mga grupo ng aktibista katulad ng Malaya at Bayan USA. Lagi silang lumulusob pag may events sa konsulado o sa embahada. Ugali na nila ‘yun. Gawain na nila ‘yun… Mga walang modo, walang asal at traydor na mga Filipino-Americans,” sabi ni Maharlika.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na may nanggulo sa isang event para sa mga lumad leaders. Naiulat ng Philippine News Agancy (PNA) at Presidential Communications ang nangyari sa isang forum sa San Francisco, California noong July 10. Isa ring Fil-Am ang nanggulo at nambulahaw sa speaking engagement ng mga tribal leaders na nagsisiwalat ng mga kasamaan ng NPA.

Dahil sa panggugulo ng Fil-Am ay naging emosyonal si Christine Banugan, Chieftain ng Mandaya Tribe. Ikinuwento ni Banugan ang kaawa-awang sinapit ng kanyang pamilya sa kamay ng mga NPA.

“Ang sinasabi po namin ay ‘yung narrative po namin. Ito po ‘yung katotohanan na nangyayari sa amin ancestral domain. Kami po ang naninirahan sa ancestral domain at hindi ‘yung mga tao na sumisigaw sa amin na ‘stop telling lies’. We are not telling lies. I am a victim. Hindi niyo naranasan na namatayan ng ama dahil pinatay ng mga NPA na komunista. Pasensiya na kung naiiyak ako. Nagagalit ako dahil biktima ako, biktima kaming lahat,” sabi ni Banugan.

Source: Maharlika | Presidential Communications | PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén