Local News

“Legacy ni DU30 ay Pagbalik ng Sakit na Polio sa Pinas” – Singer Bituin Escalante

“Ang legacy ni Duterte sa Health? Ang pagbalik ng polio sa bansa”

Ganito ang naging boladas ng singer at Leni Robredo supporter laban sa Duterte Administration pagdating sa usapin ng kalusugan.

Sinabi ito ng mang-aawit sa kanyang socal media account matapos magbigay ng reaksyon patungkol sa “Duterte Legacy” na inilunsad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Isa sa mga ibinida ng ahensiya ay ang pagkakapasa ng Universal Health Care Act sa ilalim ng paumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Layon ng batas na mabigyan ang mga Pilipino ng mas maayos healthcare services at facilities .

Base sa mga dating pahayag ni Escalante, sinuportahan daw niya si Duterte bilang Presidente at si Robredo bilang pangalawang pangulo. Pero noong bandang 2018 ay nagbago na daw ang isip niya.

“I WAS the 16M but i love my country more than the president… Many of the 16M voted for him with reluctance. I did so out of a misplaced anger. But I’m rather thick skinned so I have no reluctance putting this out there,” sabi ni Escalante.

Sa isang pagkakataon na sinasabi ni Escalante na bumagsak daw ang institusyon ng ating bansa nang manungkulan si Pangulong Duterte.

“Simula pa lang, ‘di pa siya nakakasampa, ang dami nang namamatay. Ang dami ng EJKs. Tapos, ang dami sa legislative, biglang nagpalit-kulay. Parang mga sariling interes nila ‘yong pinoprotektahan nila. Isa-isang bumagsak ang institutions natin,” patutsada ni Escalante noong 2018.

Noong nakaraang 2019 senatorial elections ay sinuportahan pa nga ni Escalante ang opposition slate na “Otso Diretso”.

“Lahat tayo, hindi tayo buong loob na bumoboto minsan. Alam ko ‘yan. Binoto ko si Digong eh. Pero isipin natin na ang 8, may respeto sa batas… Pero ang 8, naniniwala sa tamang pamamaraan ng pagkakaiba… They believe in our laws. So we may fight over the little things, pero ang prinsipiyo, ang paninindigan sa batas, ‘yan ang kaya kong panindigan na paninindigan ng 8,” boladas ni Escalante.

Sa kasawiang-palad, walang nanalo ni-isa sa mga sinuportahan niya.

Source: Bituin Escalante’s tweet | Kami | Yahoo | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: