Local News

“Leni 2022! Anything can Happen!” Liberal Party Official, Nagparamdam na!

Sa kaniyang social media account, inamin ni former congressman Teddy Baguilat na magiging matindi ang hamon kung tatakbo sa pagkapangulo si Vice President Leni Robredo sa halalan 2022. Pero hindi sila susuko dahil maraming posibilidad daw ang maaring mangyari.

“Leni 2022 indeed is difficult. But no one has won the presidency leading the surveys more than a year before the elections. And history is full of underdog victories: Cory, GMA, FVR. In short, anything can happen,” boladas ni Baguilat.

Magugunita na nakuha ni Robredo ang karamihan ng mga boto para sa pagkabise-pangulo noong 2016 national election. Ito ay kahit na nangunguna si former senator Bongbong Marcos sa mga survey. Ang resulta ng halalan ay kinukuwestiyon ni Marcos hanggang ngayon. Magugunita na biglang dumami ang boto ni Robredo kinagabihan ng araw ng halalan.

Si Baguilat ay nagsisilbi bilang vice president for internal affairs ng Liberal Party.

Source: News5 | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén