Local News

Leni, Bukas na sa Pagtakbo sa Presidential Elections!

Para kay Vice Presidnt Leni Robredo, bukas na raw siya sa posibilidad na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.

“Running for president remains a possibility…if only I have sufficient resources, it would be easy for me to decide,” sabi ni Robredo.

“If I run for president, I need to be really ready, not just for the job but for the fight, and that’s where the problem is. You know that I don’t have the resources… As in all my other elections, I’m open to all possibilities. I’m OK with various positions… We are thinking of where I can best serve,” ani Robredo sa hiwalay na panayam.

Pero, ayon kay Robredo, mas napipisil niyang tumakbo sa lokal na posisyon.

“So if I have a choice, honestly, I prefer local. I’m not saying for governor, there are many local positions, it can be congressman or mayor,” boladas pa ni Robredo.

Ikinuwento din ni Robredo na may mga nag-uudyok din sa kaniyang anak na si Aika na kumandidato.

“I don’t know if she has changed her mind, but in 2019 when she was asked to run for mayor or vice governor she declined… When I was asked if Aika would like to run for governor, I told them why Aika, why not me? So, I was the one who started that discussion,” ani Robredo.

Iaanunsyo daw ni Robredo ang kaniyang desisyon sa September o isang buwan bago ang paghahain ng certificate of candidacy para sa 2022 elections. Siniguarado din ni RObredo sa kaniyang mga taga-suporta na pag-iisipan niya ng mabuti ang magiging desisyon niya.

“So sa akin ganoon naman, pinagdadasal lagi. Pinagdadasal lagi na gabayan tayo sa pagdesisyon. Pero kung ano iyong makakabuti sa lahat – kapag kausap ko naman iyong mga kakampi, iyon iyong parati kong sinasabi na maging bukas tayo sa lahat na possibilities,” dagdag pa ni Robredo.

Source: DWIZ | One News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén