Local News

Leni, Nangyayakap ng Tao Kahit may Banta ng COVID – Dr. Pineda

Nitong nagdaang mga araw ay lumitaw sa social media ang mga litrato at video ni Vice President Leni Robredo kung saan nakita itong lumalabag sa social distancing. Makikita kasi na nakikipagkamay ito sa mga tao at sa ibang pagkakataon ay may niyayakap pa ito.

Ang mga ginawa ni Leni ay hindi pinuna ng mainstream media. Kaya sa social media account ng Doktor na si Dr. Ethel Pineda ay sinita nito ang mga media practitioners.

“Covid Leni goes around shaking hands and hugging people. Crickets from mainstream media and wokes,” sabi ni Dr. Pineda.

Magugunita na agad iniulat ng mainstream media ang pagkatanggal ng mask ni Pangulong Duterte noong bumisita ito sa ALbay.

“Hindi ko po alam kung ‘yan ay intentional o talagang natanggal lang. Pero ang importante po, nakarating doon sa Guinobatan, isa sa talaga namang sinalanta ng bagyong Rolly, ang Presidente… At kung natanggal man ‘yung mask niya, syempre po e ‘yung danger non ay na kay Presidente pero hindi po natiis ang mga Bicolano, pinuntahan po niya at syempre he exposed himself to the threat of COVID-19. Pero gayunpaman, siya po’y Presidente, nais niyang ipakita that government is there to assist them,” paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Narito po ang video ni Leni habang nilalabag ang social distancing na ibinahagi ng Netherland-based Lecturer na si Sass Rogando Sasot.

Source: Dr. Ethel Pineda | Archive | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén