Local News

Leni, Pinangaralan si DU30 “Matuto sa 2 Years ng Drug War! Di na-resolve ang Drug Problem!”

Hindi pabor si Vice President Leni Robredo sa pinakahuling pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagpapaigting ng kampanya kontra droga. Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Malacañang, sinabi ng Presidente na mas magiging marahas ang paglaban sa bawal na gamot hanggang sa matapos ang kanyang termino sa 2022.

“I am declaring war. I am not declaring a punitive police action. It cannot help and it would not help. So early on I decided but I think I’d be more, well, I said harsher in the days to come… will not allow my country to be destroyed by drugs. I will not allow my country to end up a failed state because of drugs. And I am declaring war and I said I will kill anybody who stands in the way,” sabi ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Leni, dapat daw matuto sa naging karanasan nitong nagdaang dalawa’t kalahating taon.

“Ang sagot ko diyan, matuto tayo sa nangyari over the last two and a half years. Ang daming buhay yung ibinuwis, pero hindi naman natin na-resolve ang problema sa droga,” ani Robredo.

Itong mga nagdaang araw ay may lumabas na balita tungkol sa survey kung saan iniulat na maraming Pilipino ang nanniwala na nabawasan ang mga durugista sa kanilang paligid. Ang resulta ng survey na ito ay malugod na tinanggap ng Palasyo.

“The political opposition and the detractors of the President have been most vocal in using the drug war to vilify the Chief Executive and his Administration even bringing the issue to the International Criminal Court. They remain skeptical, unimpressed and indifferent of the significant strides made by our authorities in relation to prohibited narcotics even pointing out there remains demand and supply on illegal drugs. We ask them to stop playing blind dumb and instead listen to the people: 83% of people of Mindanao say there are less drug addicts there; 71% in the Visayas say there is a decrease; 67% in Metro Manila likewise say there is a decrease; while 54% in Luzon share the same sentiment.
,”
pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Source: GMA

Leave a Reply