Local News

Leni, Posibleng Ma-Impeached dahil sa Pagsuporta sa UN Human Rights Investigation – PACC Official

Posibleng maharap sa impeachment si Vice President Leni Robredo dahil sa hayagang pagsuporta nito sa planong imbestigasyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa kampanya kontra-droga ng Duterte Administration, ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna.

Sa panayam ni Leni sa DZMM, sinabi ng pangalawang pangulo na kung siya ang magde-desisyon papaunlakan daw niya ang mag-iimbestiga dahil parte daw ang Pilipinas ng UN.

“If I were (the government), I will entertain (the reviewers) because we are a member of the UN,” inihayag ni Leni.

Banat pa ng opisyal, maituturing daw na betrayal of public trust ang tila pagpapalabas ni Leni na lumalabag ang gobyerno sa human rights.

“VP Robredo’s expression of support to the UNHRC resolution against the Philippine government may cause her to be impeached. For the nth time, she has made it appear that the government is guilty of human rights abuses, and that’s betrayal of public trust,” sabi ni Luna.

Ayon pa kay Luna, oras na raw para managot si Leni sa sambayanang Pilipino.

“It’s about time that she should be held to account for her political sins against the Filipino people,” banat pa ni Luna.

Ito po ang nakasaad sa article XI Section 2 ng 1987 Constitution.

“The President, the Vice-President, the Members of the Supreme Court, the Members of the Constitutional Commissions, and the Ombudsman may be removed from office on impeachment for, and conviction of, culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, or betrayal of public trust. All other public officers and employees may be removed from office as provided by law, but not by impeachment,” sabi ni Luna.

Nitong nagdaang mga araw ay naghain ang bansang Iceland ng resolusyon sa UNHRC para imbestigahan ang kampanya kongtra-droga ng pamahalaan ng Pilipinas. Nakakuha ito ng 18 na boto mula sa miyembro ng UNHRC. 14 ang hindi pumabor sa resolusyon at 15 naman ang nag-abstain kasama ang Japan.

Source: GMA News | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén