Local News

Leni, Posibleng Mapatalsik dahil sa Panghihimok na Ma-Impeach si DU30! – PACC Commissioner

Nagbigay ng babala si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna na maaaring mapatalsik si Leni Robredo bilang Pangalawang Pangulo ng Pilipinas dahil umano sa pang-uudyok nito sa minorya ng kongreso na magsampa ng impeachment case laban kay Presidente Rodrigo Duterte.

“[Vice President Leni] Robredo may get herself impeached for urging the minority in the house of representative to press impeachment rap against the President respecting the latter’s statement on the ‘little maritime incident’ in the Reed Bank,” sabi ni Luna.

Magugunita na sinabi ni Robredo sa kanyang programa sa radyo na hindi dapat mawalan ng lakas ng loob ang minorya sa kongreso na maghain ng impachment case laban kay Presidente Duterte kahit na marami sa mga taga-kamara ay ka-alyado ng Presidente.

“Ito ang nakakalungkot kasi kahit sana political act, iyong panakot dapat sa mga impeachable officials na kapag nag-violate, ang essence ng pinaka-violation at saka iyong essence ng Saligang Batas ang magpe-prevail,” Robredo said. “Pero alam natin sa experience hindi iyon ganoon. Sa experience na lang… parang mas nagpe-prevail ang pulitika kaysa sa iba pang mga consideration… Pero tingin ko hindi naman iyon dahilan para… Kahit minority kayo, ipaglaban ang tama pa din. Kahit napaka-kaunti ng numero, ang pinakamahalaga doon, hindi ka napapagod ipaglaban ang tama,” dagdag pa ni Leni.

Basahin ang reaksyon ng ilan kababayan natin sa sinabi ni PACC Commissioner Luna.

“Sa kagustuhan na ma impeach pangulo, ikaw now madam lugaw ma iimpeach. Stop na kase anu ano na lang binabato nyo sa pangulo, pagka panalo mo nga madam hanggang ngayon question mark pa rin?” sabi ni G. Tolentino.

“Nice sir…. Na technical si Madam Leni nag React kasi kaagad, baka nakalimutan nya na Majority sa Congress at Senate ay kaalyado ng Pangulo.” sabi ni U. Esmail.

“Siya mismo.nagsalita nun na sinabi niya na pedeng maimpeach ang pangulo…ang dating nun parang nanawagan cya na ipaimpeach ang pangulo…kaya balik sa knya ung sinabi niya.” sabi ni U. Dela Cruz.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén