Local News

Leni, Posibleng may Makuhang “Drug War Intel Reports” na Magagamit Laban kay Duterte sa ICC?

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi nababahala ang Palasyo ng Malacañang sa posibilidad na may makakuha si Vice President Leni Robredo na intelligence reports tungkol sa drug war na maaaring magamit laban sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court o ICC.

Ayon kay Presidential Spokesperson Panelo, walang itinatago ang pamahalaan.

“First of all, the government has nothing to hide in its records. Everything’s transparent… When you say intelligence report, it contains those involved in the illegal drug trade, and this is being monitored by all agencies. So what’s wrong with it?”paliwanag ni Panelo.

Matatandaang may mga communications na nakahain na ngayon sa ICC laban kay Pangulong Durterte.

Si Vice President Robredo ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) dahil patuloy na pambabatikos nito sa anti-drug campaign ng gobyerno. Nais ng Pangulo na malaman at maranasan ni Robredo kung paano isinasagawa ang kampanya laban sa pinagbabawal na gamot.

Magugunita na pinuna ni Robredo sa panayam niya sa Reuters ang anti-drug campaign ni Pangulong Duterte. Banat noon ni Robredo, kailangan na umano itigil ang drug war dahil hindi ito nagtatagumpay. Kumambayo si Leni sa kanyang pahayag matapos pumalag ang ilang opisyal at ahensiya ng gobyerno at sinabing mali lang daw ang headlines ng mga media. Nanindigan naman ang Reuters sa istorya na kanilang inilathala tungkol sa sinabi ni Robredo na ipatigil ang drug war.

Sa pagtanggap ni Robredo sa pwesto ng ICAD Co-chair, nasi ng bise presidente na ipatupad ang “zero killings” sa anti-drug campaign at tututukan din daw ang pang-aabuso sa kampanya kontra-droga.

Ang hakbang na gustong tahakin ni Robredo ay pinalagan ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte na sina Senador Christoper “Bong” Go at Ronald “Bato” Dela Rosa. Ayon kay Senador Go, tila gustong tratuhin ni VIce President Robredo na sanggol ang mga drug lords at paramihin ang mga ito. Banat naman ni Senador Bato, hindi pwedeng puro pa-cute ang gawin ni Leni sa bagong pwesto niya.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén