Local News

Leni, Sinibak na sa ICAD ni Pangulong Duterte!

Base sa ulat ng CNN Philippines at ng ABS-CBN, sinasante o sinibak na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Si Robredo ay hinamon ni Pangulong Duterte na makibahagi sa anti-drug operation ng gobyerno dahil sa palagian nitong pagpuna sa kampanya kontra-droga ng pamahalaan. Magugunita na sinabi ni Robredo sa foreign wire agency na Reutrers na palpak ang war on drug ng gobyerno at dapat na itong itigil.

Ilang araw matapos ang nasabing panayam kay Robredo ay inalok ito ni Pangulong Duterte na humalili sa ICAD.

Magugunita na noong Nobyembre 12 ay nagbanta si Pangulong Duterte na sisibakin niya si Robredo kung ibabahagi nito ang mga sensitibong impormasyon ng gobyerno na magiging sanhi para malagay sa alanganin ang Pilipinas.

“There’s a limit to that. I know that she’s a lawyer and she has other advisers… There are certain matters that should be kept with the government, that classified matters cannot be shared. Once [she does] that, she’s out, I would fire her. Because you jeopardized the security of the state,” banat ni Pangulong Duterte.

Ayon sa tagapagsalita ni Pangulong Duterte na si Secretary Salvador Panelo, isa daw sa rason kung bakit sinibak si Robredo ay dahil sa kawalan nito ng programa para sa ICAD at pakikipag-usap din daw ng bise presidente sa mga banyaga tungkol sa war on drugs ng gobyerno ng Pilipinas.

Matatandaang hinamon ni Robredo si Pangulong Duterte na sibakin na lang siya matapos sabihin ng Presidente na wala siyang tiwala kay Robredo.

Stay tuned lang po para sa karagdagang detalye.

Source: CNN Philippines | ABS-CBN | Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén