Local News

Leni, Traydor ka sa Bayan! Anti-Communist Task Force Spokesperson Lorraine Badoy

Sa kaniyang panayam sa DZAR 1026, binanatan ni Presidential Communication Operations Office (PCOO) Usec. Lorraine Badoy si Vice President Leni Robredo. Ayon kay Usec. Lorraine, isa ang opisina ni Robredo sa nagtutungo sa ibayong dagat para pahiyain ang Duterte Administration. Hinalintulad niya ang ginagawa ng kampo ni Robredo sa taktika ng mga rebeldeng komunista. Isiniwalat din Usec. Badoy ang ginagawang paraan ng mga komunista para makakuha ng pondo mula sa dayuhan. At isa sa ibinigay na halimbawa ni Badoy ay ang Ibon Foundation.

“Kinakausap namin ang mga Non-Government Organizations (NGO) sa US at Europe, sinasabi namin ‘binibigay niyo ang pera niyo sa terorista’. Tapos nagbibigay kami ng maayos na pruweba, tulad ng Ibon foundation. Ang ginagawa kasi ng Ibon ay pupunta sa Talaingod sa Davao, half day lang sila doon at kukuha ng pictures ng mahihirap. Gagawin nilang brochures at ipapakita sa international community tapos isisi kay Pangulong Duterte… Tapos sumasama pa ang vice president. Si Leni Robredo ay isang traydor sa bayan. Papanindigan ko iyan kasi nakikita namin ang report puro kasinungalngan ang dala ng opisina ng vice president para pahiyain at pahinain ang gobyerno,” sabi ni Usec. Badoy.

May mga nakausapna raw ng foreign NGOs ang NTF-ELCAC at inihinto na ng mga ito ang pagbibigay ng pondo sa mga grpo tulad ng Ibon.

Bukod sa pagiging Usec ng PCOO, si Badoy ay nagsisilbi ding spokesperson ng National Task-force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC). Ang NTF-ELCAC ay itinatag ng Duterte Administration upang sugpuin ang paghahsik ng lagim ng mga rebeldeng komunista.

Source: DZAR

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: