Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Leni, Walang Napatunayang Track Record? Robredo, Boljak kay Bato!

Hindi kumbinsido si dating Philippine National Police (PNP) Chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ipaubaya kay Vice President Leni Robredo ang kampanya kontra-droga. Ang paliwanag ni Del Rosa, wala daw napatunayan ang bise president pagdating sa pagsugpo sa kriminalidad.

Ayon pa kay Dela Rosa, dapat daw ay lalong pagtuunan ni Pangulong Duterte ang problema sa ipinagbabawal na gamot.

“I don’t want our country to become another Mexico, so President Rodrigo Roa Duterte should tighten his grip on the drug situation, instead of leasing his power to anybody who has ho proven track record in crime-fighting especially in the arena of drug,”

Sinabi ito ni Senador Dela Rosa matapos hamunin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Leni. Sa isang talumpati, sinabi ng Pangulo na gusto niyang gawing drug czar si Leni upang solusyunan ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan.

“I am sending a letter to her through ES Medialdea. I will surrender my powers to enforce the law, ibigay ko sa Vice President. Ibigay ko sa kanya mga six months. Siya ang magdala. Tingnan natin kung ano ang mangyari. Hindi ako makialam. Sige, gusto mo? Mas bright ka? Sige. Ikaw. Subukan mo,” resbak ni Pangulong Duterte.

Ang hamon na ito ng Pangulo ay kaugnay sa negatibong pahayag ni Leni sa isang foreign media tungkol sa kalagayan ng kampanya kontra-droga. Sa kanyang panayam sa Reuters, sinabi ni Leni na dapat daw na itigil ang drug war dahil palpak ito.

“We ask ourselves, ‘why is this still happening?’. The president has already made very serious threats to drug syndicates, to drug lords … and yet it’s still very prevalent, so obviously, it’s not working,” sabi ni ni Leni.

“The Life of our people are in line. And the… the dignity of our country is in line. But my first call is for our government to take care of the mess that we’re in and NOT TO CONTINUE with what we have started which obviously are not working,” dagdag pa ni Leni.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén