Local News

Leni, Walang Pag-asang Manalo kay Sara sa Pagkapangulo ayon sa Malacañang

Base sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang maaaring makatalo kay Davao City Mayor Sara Duterte kung sakaling ngayong gagawin ang halalan sa pagkapresidente.

Ilan sa mga halimbawang katangian daw na mayroon si Mayor Sara ay ang pagiging popular nito at kakayahan nito na mamuno.

Wala din daw tsansa si Vice President Leni Robredo na manalo laban kay Mayor Sara kung sakaling magtapat ang dalawa sa 2022.

“She has the intellectual wherewithal and the political will… If the elections were today, walang chance [manalo si Robredo],” sabi ni Panelo.

Sinabi ni Panelo ang naturang komento isang araw matapos ang naging pahayag ni Leni na anything is possible” sa 2022.

Magugunita na ilang beses naman binalaan ni Pangulong Duterte si Mayor Sara na huwag hangarin ang Pagkapangulo dahil sa matinding sakripisyo na pasan ng tungkulin. Pero ayon kay Panelo, halos lahat daw ay gustong patakbuhin si Sara sa pagkapresidente.

Source: PTV | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén