Local News

LGBT Member, Hindi Iboboto si Gretchen Diez!

Nitong Sabado ay nagpahayag si Gretchen Diez ng posibilidad ng pagpasok sa politika. Gagawin niya raw ito para malabanan ang diskriminasyon sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) Community.

Si Diez ay naging laman ng balita nitong mga nakaraang araw dahil sa insidente umano ng “diskriminasyon” sa isang mall. Magugunita na pinagbawalan si Diez ng isang janitress na gumamit ng female restroom dahilan kung bakit kinunan ni Diez ng video ang janitress para ipakita sa Facebook.

Pero ilang araw pa lang ang nakalipas nang sabihin ni Diez ang kanyang hangarin na pumasok sa politika ay nagsalita na ang kamiyembro nito sa LGBTQ community na si Rommel Espera.

Ayon kay Espera, hindi raw niya iboboto ang kapwa niya bakla. Ilan sa mga rason ni Espera ay ang pagsira umano ni Diez sa pagtingin ng publiko sa LGBTQ community.

“Dahil sa issueng kinasungkutan Niya at baluktot na paniniwala ay nadamay Ang mga ibang LGBTQ na matitino,” banat ni Espera.

Sariling kapakanan lang daw bilang transgender ang iniisip ni DIez at ang kapakanan ng mga kababihan ay binalewala daw nito.

Binanatan din ni Espera ang pagiging entitled umano ni Diez. Tanong tuloy ni Espera, paano pa daw kung may posisyon na ito sa gobyerno?

Para kay Espera, hindi rin daw mabuting ehemplo si Diez dahil sa kasagsagan ng pagsusulong (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill, ang mga kumokontra dito ay nakakaranas umano ng pambu-bully. Lalo na ang mga kababaihan.

“Ang repleksyon niya ay ipinapakita ng mga Supporters Niya.Sa mga nagdaang araw ay rampant na ang pambubully ng ibang PRO LGBTQ , hindi lamang sa akin bagkus ay higit ang BULLYING na natatangap ng mga KABABAIHANG kumokontra sa SOGIE BILL,” buwelta pa ni Espera.

Ang social media post na ito ni Espera ay umani ng iba’t-ibang reaksyon at naibahagi na rin ng higit 9,000 beses. Libo-libo na rin ang nagkomento sa post habang ginagawa ng artikulo na ito.

Source: Rommel Espera

Leave a Reply

Theme by Anders Norén