Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Libreng Burol para kay Trillanes?

Biniro ni Senador Ping lacson si outoging Senator Antonio Trillanes. Ayon kay Lacson, inalok umano ito ng free burial sa Makati ni Senadora Nancy Binay.

“Free admission to the ospital ng Makati ang free burial in the Makati cemetery,” banat ni Lacson.

Magugunitang si Trillanes ay isa sa matinding kritiko ng ama ni Nancy na si dating Vice President Jejomar Binay. Inakusahan ni Trillanes si Jejomar na magnanakaw.

“Kung ang layunin ng pamilya Binay sa kasong ito ay para tigilan ko sila sa aking paguusig, nagkakamali sila. Hindi ko hahayaan ang mga magnanakaw na mamuno ng ating bansa,” banat ni Trillanes kay Binay noong 2016.

Maalala na isa si Trillanes sa nanguna sa senate investigation sa umano’y maanomalyang overpriced parking building sa Makati at irregular deals ng local government sa ilang private companies.

Nauna nito, ibinunyag ni Lacson na inalok ni Nancy Binay si Trillanes ng pagkakataon na magturo sa University of Makati.

“Senate camaraderie at is best in the 17th Congress: Senator Nancy Binay offered graduating Senator Trillanes a teaching job at University of Makati with 24-hour free parking at the Makati parking lot,” sabi ni Lacson

Source: News5 | Trillanes | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén