Local News

Licensed Teacher na Nambaboy sa Litrato ni PDU30, Pinatatanggalan ng Lisensiya ng kapwa Guro!

Viral ngayon sa social media ang licensed teacher na si Laarni Villaluz matapos itong mag-post sa social media ng edited photo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte habang nagbibigay respeto sa mga nasawi sa Jolo Bombings. Magugunita na naging laman sa mga balita ang paghalik ni Pangulong Duterte sa lupa kung saan binawianng buhay ang mga biktima ng pasabog.

Sa nasabing edited na larawan, pinalitan ang lupa ng pagkain ng aso. Kaya nagmukanh kumakain ng dog food ang Pangulo.

“Sino po may voucher from Pedigree? Baka po pwede makahingi. New user,” sabi pa ni Villaluz sa kanyang post.

Hindi naman pinalampas ng kapwa guro ni Villaluz ang kabalbalan. Sa Facebook account ng licensed teacher na si Chini Huang, nanawagan siya na patanggalan ng lisensiya si Villaluz dahil sa inasal nito sa social media. Ayon kay Huang, may code of ethics na dapat sinu-sunod ang mga guro.

“Ako po ay isang professional and licensed teacher. I’m a graduate of Bachelor of Secondary Education, Major in Social Science. Alam po natin na mayroon tayong code of ethics bago tayo manumpa at mabigyan ng lisensiya… Ginawang mong baboy ang Presidente. Ano na lang ang sasabihin ng mga estudyante mo. Shout out sa Professional Regulatory Commission (PRC), sana pansinin nila ito. Hindi dapat pamarisan ang ganyang klase ng teacher. Me as a professional and licensed teacher, hindi ko makakalimutan ang ganitong klaseng ginagawa ng guro sa social media. Paano na kapag nalaman ng mga estudyante ang ginagawa niya, wala na tayong rason pa na pagbawalan ang mga bata. Dahil tayo mismong guro ay gumagawa ng hindi karapat-dapat. So ang problema mo ay ayaw sa Presidente pero professional ka. Ang nagbigay ng lisensiya mo ay gobyerno. So kung ayaw mo, dapat ay isauli mo ang lisensiya mo. Oh di kaya ay makita itong PRC at tanggalin ang lisensiya mo,” banat ni Huang.

Source: Chini Huang

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: