Local News

Lifetime Validity ng Birth, Death, at Marriage certificates, Pasado na sa Senado!

Magandang balita, mga kababayan!

Naipasa na sa Senado ang lifetime validity ng birth, death, at marriage certificates.

Ayon sa ulat ng PTV News, inaprubahan ng Senado ang Senate Bill No. (SBN) 2450 o Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death, and Marriage Act. sa final reading nito ngayong Lunes, Mayo 23 na may 21 affirmative votes, no negative vote, at no abstention.

Samantala, lubos naman ang pagpapasalamat ni Senator Bong Revilla, chairperson ng Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation, sa pagsuporta at pag-apruba ng nasabing panukalang batas.

“Through this, our people do not have to unnecessarily spend time and money in securing new copies of their documents,” saad ni Revilla.

Maraming netizens ang natuwa sa naturang balita. Ayon sa kanila, simple man daw ang batas na ito ay malaking tulong naman sa taumbayan. Ang ilan, humihiling din na sana raw ay magkaroon na rin ng libre at mas maayos na proseso sa pagkuha ng birth certificate.

Source: PTV

Leave a Reply