Local News

Listahan ng Korap na Wala si Duterte ay Kalokohan – Trillanes

Bago magtapos ang taong 2020 ay ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga pangalan ng ilang kongresista na kasama sa listahan ng mga iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC). Ayon sa Pangulo, wala pang matibay na ebiidensiya laban sa mga nasasangkot na mambabatas pero kailangan niya daw ilabas sa ngalan ng public access to information.

“It has come to me officially recorded, received, recorded in the books so it becomes a public document. Whether ako ang magbasa o hindi lalabas talaga ‘to because they have the right to have access sa information. Maski sinong tao.

Wala ‘yang media, media, maski sino for that matter. So basahin ko ito. I just want — I just want to assure everybody that ‘yung pagbasa sa pangalan ninyo is not a condemnation or an indictment that you are guilty of something. In the same manner that I would tell the people that do not take it as a gospel truth na totoo talaga ‘to.

Lumabas lang ito sa investigation ng PACC and I said I promised — diyan ako eh, diyan ako nakagat diyan because I said I promised that… But I’ve been reading a lot of names publicly. So whether you are a congressman, a senator or a president, kasali ka dito.

And I assure you, my son is a member of Congress. ‘Pag nandiyan ‘yung pangalan niya, I will read it. I will read it.” sabi ni Pangulong Duterte.

Pero diskumpiyado si former rebel at ex-senator Antonio Trillanes sa isiniwalat na listahan ni Pangulong Duterte. Boladas ni Trillanes, kalokohan daw ang listahan kung hindi kasama ang Presidente. Muli din inungkat ni Trillanes ang isyu tungkol sa pagkakaroon umano ni Pangulong Duterte ng bilyones sa Bank of the Philippine Island.

“Any corruption list without duterte’s name on top is simply BS. We saw his billions in BPI, remember?” kuda ni Trillanes

Source: Politiko| Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén