Local News

Litrato ng Banyagang “UMEBAK” sa Intramuros, Inilabas na ni Mayor Isko!

Naging usap-usapan sa social media kahapon ang diumano’y pag-ebak ng isang foreign national sa Baluarte de Dilao na bahagi ng Intramuros.

Ang Baluarte de Dilao o an Francisco de Dilao ay itinayo ng mga Kastila noong 1592 upang magsilbing pangdepensa ng Intramuros. Ito ay matagal ng itinuturing bilang historical landmark.

Dahil dito ay pinakilos agad ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang MPD Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) upang masakote ang salarin.

Ngayong araw ay inilabas na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang larawan ng lalaking “diumano’y” umebak sa Intramuros.

“Ito na ang lokong nag-viral sa Intramuros na posibleng umebak daw. Nananawagan na po tayo na mahuli ang violator na ito… Violation ng foreign national:
Chapter 2, Revised Penal Code – Offences against decency and good custom, Article 200 Grave Scandal. Such acts are ‘highly scandalous as offending against decency and good customs, and alarm and scandal.’,”
banat ni Mayor Isko.

Narito po ang Facebook live video ni Mayor Isko kung saan tinatalakay niya ang isyu.

Source: Isko Domagoso Moreno | Manila Public Information Office | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén