Local News

Litrato ng Drug Queen Ex-Chairwoman, Nilabas na ni Mayor Isko!

Inilabas na ngayong araw ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang litrato ng tinanguriang drug queen na nagre-recycle umano ng shabu.

Matatandaang pinangalanan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang nasabing drug queen at ito raw ay si Guia Gomez Castro. Si Castro ay nanalong chairman sa Barangay 484, Zone 48 sa Sampaloc, Manila noong 2018 barangay elections.

Nilinaw naman ni Mayor Isko at ni Eleazar na hindi naman nakapanumpa si Castro matapos ang pagkapanalo nito bilang kapitan.

Magugunita na sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino na kinukuha daw ni Castro ang mga droga nito mula sa mga tiwaling pulis o “ninja cops”. Ang droga na ipinapasa ng mga ninja cops kay Castro ay ang mga nakumpiska sa mga anti-drug operations ng otoridad. Ibinunyag din ni Aquino na kumikita daw si Castro ng aabot sa P13.6 million kada linggo o P54.4 million kada buwan.

Si Castro daw ay nakaalis na umano ng bansa base sa monitoring na ginawa ng kapulisan.

Nitong Martes ay naglabas si Eleazar ng diagram ng koneksyon ni Castro sa 16 na ninja cops. Ayon kay Eleazar, siyam daw sa mga ito ay napatay na, dalawa naman daw ang na-dismiss na sa serbisyo, 2 ang nagretiro at 2 nag-AWOL na. Si Corporal Jolly Aliangan ay naaresto naman na ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon pa sa hepe ng NCRPO, patuloy pa rin na ginagawangg case build-up laban sa drug queen na si Castro.

Minamanmanan na rin ng kapulisan ang higit 22 na police na sangkot sa pagre-recycle ng droga. Lima raw sa mga ito ay nakatalaga sa Metro Manila.

Sinabihan naman ni Mayor Isko si Castro na lumutang na at ipaliwanag ang panig nito.

Panoorin ang kaugnay na ulat mula sa programang State of the Nation ni Jesscia Soho.

Source: Mayor Isko Domagoso | GMA News | Sunstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén