Local News

Litrato ni Drilon na Tila “Natutulog” sa Press Conference, Patok sa mga Netizens!

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ng Piskal at pro-government blogger na si Attorney Darwin Cañete ang larawan ni Senador Frank Drilon na tila natutulog sa isang press conference.

Ang press conference ay para sa Joint venture ng water distribution system. Sakop ng joint venture ang operasyon, rehabilitasyon at pananatili ng supply ng tubig ng Metro Iloilo Water District (MIWD) sa Iloilo.

Habang isinusulat ang blog post na ito ay lumagpas na sa dalawang libo ang nag-share ng nasabing larawan. Libo-libo na rin ang mga nag-react at mahigit walong-daan naman ang nagkomento.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa litrato ni Drilon.

“Ano ba yan syaaaaaa. Dinaig ako nung studyante pa ako,” sabi ni S. Abenoja.

“Napaka unfair.. S bpo company.. Ligwak na yan. Pang ilang beses na nahuling nttlog.. Sa amin final written warning n yan. S sunod ligwak na. Pero s senado.. Jusko nmn… Sayang pera sa taong ito. Leche. D nlng mag retire eh,” sabi ni T. Ying.

“hoyy kung hindi mo na kaya mag silbi sa bansa mag retire kana!!!!!enjoy mo na lang retirement mo sa bahay mo at matulog hindi yung ipapakita mo sa buong pilipinas ang pagka walang silbi mo sa upuan sa senado!” sabi ni A. Vlieghe.

“Can we have a close up picture🤣 for sure sabihin nya may binabasa lang sya😄😄😄,” sabi ni C. Montellano.

“Style ko yan noong security guard ako..He he.nkatali ang helmet,so pagtinanggal ito para evidentia nila, sabay akong mag sign of the cross tapos sabay Sabi…” sir naman ini istorbo mo ako sa pagdarasal ko”..oh di lusot?dko lang alam yang ballpen ang style nya? Sana nag shade siya!.He he” sabi ni N.Ajos.

Bago pa man mag-viral ang litrato na ito ni Drilon ay ilang beses na rin nakita ang senador na natutulog habang nasa senado.

Source: Darwin Cañete | PNA

Leave a Reply