Local News

Litrato sa Pasopas Event ni Pacquiao, Naungkat ng mga Netizens!

Sa pag-uumpisa ng Marso ay naging laman ng balita ang boksingerong senador na si Manny Pacquiao matapos niyang kontrahin ang resolusyon na naghihikayat kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumakbo bilang bise presidente. Ayon kay Pacquiao, ang resolusyon na sinusulong ng ilang kapartido niya ay hindi lehitimo.

Para kay Pacquiao, hindi daw panahon ng pamumulitika ngayon. Dapat daw tutukan ang pagtugon sa pandemiya.

Ang boladas na ito ni Pacquiao ay hindi naman nagustuhan ng ilang tagasuporta ni Pangulong Duterte.

Dahil sa patutsada ni Pacquiao, inungkat ng ilan ang isang video kung saan ang kantang “Bayan Ko” ay nilapatan ng ibang liriko upang isulong si Pacquiao. Lumutang din ang ilang posters na may larawan ni Pacquiao at may nakalagay na “2022 president”.

Naungkat din ng ilang netizens ang mga litrato sa isang event na pinangalanang “Pasopas ni Pacquiao.”

Hindi naman malinaw kung kailan kinunan ang mga nasabing larawan.

Narito po ang reaksyon na ilang kababayan natin.

“So whoever advised the candidate to do this, did the senator a disservice because this has “campaign politics” written all over it. And he DID say they shouldnt during a pandemic,” sabi ng Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan blog.

“If Leni Robredo has lugaw, chicharon, black olives, etc. We also have PASOPAS NI PACQUIAO 👏🏼👏🏼👏🏼 Philippines 🥇
PS: Your vote counts. Use it wisely,” banat naman ni Tio Moreno.

Source: Luminous | Tio Moreno

Leave a Reply

Theme by Anders Norén