Local News

Localized Lockdown, Inirekomenda na ng Department of Health!

Sa pagharap ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa kongreso, nagrekomenda na ang kalihim na magkaroon ng localized lockdown para malabanan ang pagkalat ng nakakahawang coronavirus (covid-19).

Ayon sa kalihim ng kalusugan, nananatii pa rin sa 33 ang tala ng mga nagpositibo sa covid-19, 31 sa mga ito ay mild condition, samantala ang 2 ay nasa kritikal na kalagayan.

“Based on our objective criteria, we will see a possible lockdown. Kung mayroon man, localized. Hindi po ito buong lugar,” sabi ni Sec. Duque sa pagdinig sa kamara.

Hindi pa muna pumapayag si pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpatupad ng lockdown sa buong Kamaynilaan.

Sa panayam kay Interior Secretary Eduardo Año, sinabi nito na handa ang security forces kung sakaling magpatupad ng localized lockdown.

“Prepared tayo kung magkakaroon ng lockdown. We have the Philippine National Police and Armed Forces of the Philippines to help the Local Government Units,” paliwanag ni DILG Secretary Año.

Source: News5 | CNN Philippines | Department of Health

Leave a Reply

Theme by Anders Norén