Local News

Look! 94 Brand New Aircon Units, Naikabit na sa MRT-3!

Malugod na ininahagi ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Goddes Hope Libiran ang bagong kaganapan sa isinasagawang komprehensibong rehabilitasyon sa serbisyo ng Manila Metro Rail Transit System Line 3 o (MRT-3) .

Ayon kay Asec. Libiran, umabot sa 28 brand new air-conditioning units (ACUs) ang naikabit sa mga bagon ng MRT-3 bago magtapos ang taong 2019. Bukod pa raw ito sa mga na-install na 66 ACUs noong mga nakalipas na mga buwan. Sumatutal, aabot daw sa 94 ACUs ang naikabit na sa mga tren ng MRT-3. Ang 94 ACUs ay bahagi ng 120 brand new ACUs na binili sa Sumitomo-MHI-TESP.

May payo naman si Asec. Libiran sa mga sasakya ng MRT-3.

“MAGANDANG BALITA!

BAGONG TAON, BAGONG AIRCON! ‘Yan ang handog ng MRT-3 sa aming mga pasahero ngayong pagpasok ng 2020!

Naikabit na kasi ang karagdagang 28 brand new air-conditioning units (ACUs) sa mga bagon ng MRT-3. Ito ay bukod pa sa 66 units na naikabit nitong nakaraang mga buwan.

Ibig sabihin, 94 ACUs na ang na-install sa mga tren ng MRT-3 — parte ng 120 brand new ACUs na binili ng Sumitomo-MHI-TESP sa ilalim ng komprehensibong rehabilitasyon ng rail line.

Kaya naman ihanda na ang inyong mga jacket dahil kahit tapos na ang Pasko, manananatiling malamig ang simoy ng hangin sa loob ng mga bagon ng MRT-3!

Ingat po sa biyahe! Happy New Year!,” sabi ni Asec. Libiran.

Source: DOTr Asec. Goddes Hope Libiran

Leave a Reply

Theme by Anders Norén