Lotto Result

Look! Anakbayan Recruitment Forms, Ipinamigay sa Class Walkout Protest sa UP!

Kanina ay nagsagawa ang ilang estudyante at guro ng University of the Philippines (UP) ng protesta sa pamamagitan ng pagwo-walkout sa kanilang mga klase. Ito ay para almahan ang planong paglalagay ng presensiya ng kapulisan at kasundaluhan sa kanilang paaralan.

Magugunita na iminungkahi ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na payagan ang mga alagad ng batas na pumasok sa mga paaralan para masawata ang ginagawang “brainwashing” ng mga makakaliwang grupo at mga komunista sa loob ng paaralan. Sinabi ni Senador Bato ang panukala sa gitna ng pagdinig ng mga “nawawalang” estudyante matapos nahikayat ng leftist group na Anakbayan.

Ayon sa UP Student Regent, ang protesta ay para din daw ideklara ang eskwelahan na “zone of peace against the presence of state agents”. May boladas din si UP student regent Isaac Punzalan kay Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bato

“Bato dela Rosa and his master Duterte are utter fools in spreading misinformation and stopping so low as to sensationalize family struggles just to forward their repressive agenda against the youth… No amount of these despicable and shallow theatrics will ever weaken the student movement and activism in our university,” atungal ni Punzalan.

Sa gitna ng protesta ng mga estudyante at guro, namataan ang ilang miyembro ng Anakbayan nanamamahagi ng recruitment forms.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa isinagawang protesta ng mga mag-aaral ng UP.

“Maging aware kayo dyan! Mga nangunguha yan ng mga kabataang nais nilang gawing myembro ng NPA. Yung mga magulang bantayan at ingatan ang inyong mga anak, baka sila ay maging MISSING. Nasa bundok na pala, pinalalaki ng mga NPA,” sabi ni M. Taupo.

“Now we know bkt nag higpit noon sa freedom of speech. 😂😂😂 ayan na ang resulta. Kabataan ginagamit, kabataan nag papagamit. Feeling ko wala tlga sa kabataan ang pag asa ng bayan. Nasa masisipag ang pag asa ng bayan. Hindi sa pag asa na bayad!,” sabi ni C. Obida.

Source: GMA News | FB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén