Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Look! Biyaheng Malabon-Taguig, Binuksan na ng PNR!

Magiging maginhawa na ang pagbiyahe ng mga kababayan natin dahil binuksan na ang pinalawig na ruta ng Philippine National Railways (PNR). Kasama sa bagong linya ay ang Governor Pascual Station sa Malabon City at FTI Station sa Taguig City. P25 lang ang magiging pamasahe para sa mga airconditioned na bagon habang P20 para sa mga on-airconditioned. Tinatayang magiging 1-oras ang biyahe mula Malabon patungo Taguig at magkakaroon ng walong biyahe kada araw sa ruta ng Gov. Pascual-FTI habang ang rutang Tutuban-Gov. Pascual ay magkakaroon ng 4 na biyahe kada araw, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Base sa pahayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade, magkakaroon pa ng maraming pagbabago sa PNR.

“Sabi ho ni Junn Magno, ‘Hihilamusin natin ito sa Enero. Promise ko, sir, pagdating ng mga bagong bagon natin, ‘yang gusgusing bagon na ‘yan, magiging bago ho sa Hunyo’,”sabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

Ito po ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens sa pagbubukas ng bagong linya ng PNR.

Source: DOTr | GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén