Local News

Look! Pictures sa Black Friday Protest ng mga Journalists! Walang Bang Aerial View?

Matapos maging laman ng social media at ng balita si Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa dahil sa pagkaka-aresto nito sa kasong cyber libel, nagtipon-tipon ang ilang grupo at journalists para kundenahin ang sinapit ni Ressa. Inilathala ng Rappler ang ilang larawan sa ginawang nilang Black Frieday protest pero kapansin-pansin na tila walang bird’s eye view shots o aerial shots.

Si Ressa ay nahaharap sa kasong cyber libel na isinampa ng negosyanteng si Mr. Wilfredo Keng. Si Keng ay naiugnay sa smuggling ng bawal na gamot at human trafficking sa isang artikulo ng Rappler noong 2012. Sa isang pahayag, sinabi i Keng na nakipag-usap daw siya noon sa Rappler para ipatanggal ang nasabing artikulo pero hindi daw ito ginawa ng Rappler. Si Ressa ay inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Miyerkules. Namalagi si Ressa ng magdamag sa NBI pero nakalaya din matapos makapagpiyansa noong sumunod na araw.

Ito naman po ang mga larawan na ibinahagi ng Facebook page na VOVph.

Source: Rappler | VOVph | Bandila

Leave a Reply

Theme by Anders Norén