Local News

Look! Brgy Official sa Lugaw Video, Humarap na sa Publiko!

Humingi na ng paumanhin si Phez Raymundo, ang barangay official ng Muzon na humarang sa food delivery rider at ipinilit na hindi essential item ang lugaw.

Sa kaniyang pahayag, humihingi ito ng kapatawaran sa may-ari ng lugawan at sa mga food delivery riders. Aniya, maharil ay pagod lang siya kaya siya ay nagkamali.

“Ako ay humihingi ng paumanhin kasama na rin po doon ‘yung may-ari ng establishment and sa mga Grab drivers… Nagkamali ako ng pagpili ng salita na hindi po akma doon sa aking pinapaliwanag kay Marvin. Pasensya po sa lahat… Hindi ko po gusto na ma-offend kayo. ‘Yun po ay hindi intentional dahil late na po ng madaling araw ‘yun. Napagod din po siguro ako… Mapagbigyan niyo po, mapatawad niyo po kami sa aming naging pagkukulang at pagkakamali,” sabi ni Raymundo.

Narito po ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa naging pahayg ni Raymundo.

“Some people get overwhelmed by power, authority and position. Be always mindful of your actions…they have consequences.”

“a lesson learned indeed, this goes not only for ate, but anyone out their insisting because they are in the position and got a power to do so, mapanuri po minsan at wag insist kung alam mo nang medyo napaka irrelevant na ng iyong pinaglalaban.m and mostly wag mag power trip, para hindi ka maging trending in a not so good way and do make some apologies & regrets in the nd..”

“”kung na-offend…” Napilitan lang humingi ng tawad dahil hulicam. Pero hindi sya aminadong mali ang ginawa at sinabi nya. Para sa kanya ginawa nya lang ang mandato nya. San po nakakabili ng pagpapakumbaba at tunay na self reflection?”

“nxt time kasi isipin muna kung tama ba ang sasabihin at wag bira ng bira… magtanong muna ng maayos, ok. kalma lang. di porke nasa posisyon ka hala bira ka na lng akala mo kung sino ka na.”

Source: Philstar | INQ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén