Local News

LOOK! Ex-Atenista, Tumatayong Lider na sa NPA!

Isiniwalat ng isang mataas na opisyal ng ating kasundaluhan na ang dating estudyante ng Ateneo De Davao na si Alvin Luque y isa na ngayon lider ng rebeldeng komunistang New People’s Army sa Northeastern Mindanao. Base sa impormasyon na ibinahagi ni Armed Forces of the Philippines Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom) Chief Major Gen. Felimon Santos, sunod-sunod pa rin daw ang recruitment ng mga NPA sa mga sektor ng estudyante.

Ayon sa heneral, ilan pa raw sa mga estudyanteng nalinlang ng mga NPA ay sina Ryan Edpan Cagula at Prince Wendel Olorfenes. Si Cagula ay dating estudyante ng University of the Philippines sa Mindanao na napatay oong Nobyembre 4, 2014 sa Maasim, Sarangani. Habang si Olorfones ay estudyante ng University of Mindanao na responsable sa pag-atake sa istasyon ng Mati Police.

Nananawagan naman si Heneral Santos sa mga magulang at mga opisyal ng mga paaralan na gabayan at bantayan ang mga estudyante para hindi maloko ng mga rebeldeng komunista.

Ito po ang ilang reaksyon mula sa mga kababayan natin tungkol sa estudyante ng Ateneo na piniling maging NPA.

“Mga bobo mga estudyante. Peste kami noon tumira kami sa isang baryo na kung saan sentro na daanan ng mga NPA mula Estern Samar tagos ng Western Samar,northern samar to western samar pero never kami na pa recruit sa mga yan kung saan ang tatay namin kapitan….,” sabi ni M. Garcia.

“So ano napala niya. nakatikim ba ng freshly oven chicken not like JOMA Sison who is enjoying his remaining life in THE NETHERLANDS while the rests of NPA are in the mountains fighting for nothing and mosquitoes are their companions. so think a million times before joining this group.,” sabi ni J. DeGuzman.

“I think the government in its crackdown on illegal drugs should also do such crackdown on universities that has allegations on recruitment by this communist affiliated groups e.g this Sarah Elago et al.,” sabi ni A. Lapeceros.

“Tigilan nyo na ang paghihikayat sa mga magaaral ng mga kolehiyo sayang ang mga pangarap nilang makapagtapos at pamilya nila ang kawawa at tayong kapwa pilipino ang talo sa ganyang sitwasyon mamuhay tayo at hindi paghahasik ng maling kapangyarihan at pananaw,” sabi ni J. Olivera.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: